A proverb is a simple, concrete, traditional saying that expresses a perceived truth based on common sense or experience. Proverbs are often metaphorical and use formulaic language. Collectively, they form a genre of folklore.
Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan. (wikipedia.org)
Download the following Hi-Resolution Posters below:
1. Huwag gawin sa iba, ang ayaw mong gawin sa iyo.
|
|
||
2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
|
|
||
3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
|
|
||
4. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.
|
|
||
5. Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.
|
|||
6. Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw. |
|||
7. Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar din pagdating ng panahon. |
|||
8. Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda. |
|||
9. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin. |
|||
10. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran. |
|||
11. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. |
|||
12. Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at 'di sa kasaganaan. |
|||
13. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. |
|||
14. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat. |
|||
15. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila. |
|||
16. Ang magandang asal ay kaban ng yaman. |
|||
17. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot. |
|||
18. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao. |
|||
19. Ang mabigat gumagaan 'pag napagtutuwangan. |
|||
20. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili. |
|||
21. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos ay nakatunganga. |
|
||
22. Daig ng maagap ang masipag. |
|||
23. Ang tunay mong pagkatao nakikilala sa gawa mo. |
|||
24. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot. |
|||
25. Ang 'di lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan. |
#Salawikain #HDPosters
High Resolution Posters are made exclusively for DepEdK12.com Photos: pixabay.com (Creative Commons)
Other related posters:
No comments:
Post a Comment